Naihatid na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong para sa mga naapektuhan ng mga pagbaha sa Davao Region at SOCCSKSARGEN, epekto ng mga pag-ulang dala ng patuloy na umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Patuloy ang ahensya sa paghahatid ng tulong kabilang na ang nasa mahigit kalahating milyon piso na halaga ng mga family food packs na naipamahagi sa mga apektadong pamilya at indibidwal sa lalawigan ng Davao Occidental.
Sa isang panayam ay sinabi ni DSWD Assistant. Secretary Irene Dumlao, sumampa na sa 739 pamilya katumbas ng 3,158 indibidwal ang nadala na sa mga evacuation center dahil sa mga pagbaha.
Naka standby rin sa kanilang field office Ang nasa 157,339 family food packs at iba pang pondo sa oras na kailanganin.
Sa ngayon, apektado parin ng ITCZ ang mga lalawigan na kinabibilangan ng Saranggani at Sultan Kudarat.
Nakapaghatid na rin ang ahensya ng inisyal na tulong sa mga residente sa bayan ng Alabel sa Saranggani.