Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na susubukan nila ang lahat ng mga posibleng remedyo para mailigtas ang isang Pilipina na nahaharap sa death row sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos na pinagtibay ngayong araw ng Saudi Court of Appeals ang 2017 death sentence ng naturang Pilipina dahil sa pagpaslang nito sa kanyang babaeng amo tatlong taon na ang nakalilipas.
Pero para sa naturang oversease Filipino worker (OFW) self-defense ang kanyang ginawa.
Ayon sa DFA, matagal nang binibigyan ng legal aide ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang naturang OFW magmula nang nagsimula ang paglilitis sa kanya.
Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos na ang kaso ng Pilipinang ito ay nai-refer na rin sa Philippine Department of Justice, chair ng Inter-Agency Committee Against Trafficking (IACAT), dahil na-recruit ang OFW na ito nang siya ay menor de edad pa lamang.