Patuloy ang ginagawang pagbangon ng Tonga matapos ang pagsabog ng bulkan na nagdulot pa ng tsunami.
Nahirapan pa ring makarating ang mga tulong dahil sa makapal na abu mula sa Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai na isang undersea volcano.
Labis na naapektuhan dito ang main island ng Tonga na Kolofo’ou district kung saan binalot ng makapal na abo ang mga kabahayan at mga punong kahoy.
Ikinakabahala ng mga residente ang kontaminasyon ng mga inuming tubig dahil sa malaking damyos mula sa nasabing pagsabog ng bulkan.
Nakatakdang magpadala ng dalawang Royal Navy ship ang New Zealand na siyang magbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
Magugunitang tatlong katao na ang nasawi na kinabibilangan ng isang babaeng British.
Patuloy ang ginagawang pag-aayos ng mga otoridad para agad na maibalik ang suplay ng kuryente at komunikasyon sa lugar.
Magugunitang nitong Biyernes at Sabado ay sumabog ang bulkan na nagdulot ng tsunami sa isla at umabot sa Japan at California.