-- Advertisements --
Maglalabas ng panuntunan ang Malacañang sa pagbibigay ng tulong pinansiyal at kung papayagan ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan kapag nasimulan na ang enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6-20.
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na hahanap sila ng paraan para sa pagpondo ng mga tulong pinansiyal.
Gaya rin ng nakagawian na protocol na tanging mga essential na biyahe lamang ang papayagan.
Pagtitiyak naman ni presidential spokesperon Harry Roque na hindi papayag ang gobyerno na magpapatupad ng ECQ ng walang ayuda.