-- Advertisements --
acuzar

Ipinag-utos na ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar sa lahat ng mga Regional Offices na paspasan na ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.8 na tumama kamakailan sa malaking bahagi ng Mindanao.

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga biktima ng lindol sa naturang lugar.

Ayon kay DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango, na activate na ng kanilang mga ROs ang kanilang mga regional shelter clusters bilang tugon sa utos ni PBBM.

Bukod dito ay nakapagbigay na rin aniya ang kanilang ahensya ng mga shelter-grade tarpaulins sa mga apektadong residente.

Inatasan na rin aniya ni DHSUD Secretary Acuzar ang lahat ng mga concerned regional directors na kaagad na makipag-ugnayan sa mga apektadong LGUs upang mapabilis ang pagpapalabas ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nawalan at nasira ang tahanan dahil sa lindol.

Sa ilalim ng DHSUD’s Rental Subsidy and Financial Assistance Program, ang bawat pamilya na totally damage ang mga kabahayan ay makakatanggap ng P10,000 cash aid.

families with totally damaged homes may receive up to P10,000 in cash aid.

Sa pinakahuling datos ng ahensya, tinatayang aabot na sa 673 na kabahayan ang naiulat an totally damage mula sa Region 11 at 12.

Una na ring sinabi ni Secretary Acuzar na bukod sa financial aid ay prayoridad rin ng kanilang ahensya na mapabilang sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng gobyerno ang mga pamilyang malapit at naninirahan sa mga danger zone.