-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakahanda na ang tulong ng provincial government ng Northern Samar at lokal na pamahalaan ng Allen para sa mga pasaherong ma-iistranded dahil sa inasahang pagpasok ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Rei Josiah Echano, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) Northern Samar, nakapreposition na ang mga pagkain at handa na rin ang pansamantalang tutuluyan ng mga ma-iistranded na pasaheros sa Allen port dahil sa papasok na sama ng panahon.

Nanawagan din ang Northern Samar PDRRMO na hindi muna pahayagan na magbiyahe ang mga pampasahero na sakayan pandagat partikular na ang galing sa Tacloban City, Borongan City, at Catbalogan City para hindi dumami ang ma-iistranded na pasaheros kung makapasok na ang bagyong Tisoy.

Mapapag-alaman na suspendido na sa ngayon ang biyahe ng maliliit na sasakyang pandagat sa Allen port dahil sa malalakas na alon at hangin na dala ng masamang panahon.