-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya sa lalawigan ng Maguindanao dulot na COVID-19 crisis.

Sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao nanguna sina Mayor Salik Mamasabulod,Vice-Mayor Datu Abdila Mamasabulod, SB members, mga opisyal ng barangay, MDRRMO at Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa pamamahagi ng tulong sa mga residente.

Ayon kay SB Secretary Engineer Sidic Amino halos nabigyan na nila ng tulong ang mga naninirahan sa 12 mga barangay.

Mismong sina Mayor Salik Mamasabulod at Vice-Mayor Abdila Mamasabulod ang nag-abot ng tulong sa mga residente sa bayan ng Pagalungan.

Dagdag ni Engr Amino na may pagkakataon pa na mismong galing sa sariling bulsa ng magkapatid ang kanilang ipinamimigay ng tulong sa mga residente.

Una nang sinabi ng vice mayor na hindi nya kayang makitang nagugutom ang kanilang mga nasasakupan.

Nagkaisa ang magkapatid na Mamasabulod na magtulungan alay sa kanilang mga kababayan lalo na ngayong panahon ng krisis ng COVID-19.

Samantala ay mahigpit rin umano ang pagpapatupad ng LGU-Pagalungan sa mga umiiral na alituntunin ng Public Health Emergency sa bansa kagaya ng paggamit ng facemask, social distancing, highway checkpoint ng mga frontliners at iba pa.

Plansado na rin ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) cash assistance sa pinaka-mahirap na pamilya sa Pagalungan, Maguindanao at susundan ng 4Ps.