CENTRAL MINDANAO- Tumulong na rin ang mga bayan sa probinsya ng Cotabato na hindi masyadong naapektuhan ng lindol.
Sa bayan ng Kabacan Cotabato ay nanguna sina Mayor Herlo Guzman Jr at maybahay nitong si ABC President Municipal Councilor Evangeline Pascua Guzman sa pamamahagi ng tulong sa mga bayan ng Tulunan,Makilala, Mlang Cotabato at Kidapawan City na grabeng sinalanta ng sunod-sunod na lindol.
Ayon kay Councilor Guzman dama nila ang paghihirap ng mga biktima ng lindol at tagos sa puso ang kanilang naramdamang awa lalo na sa mga residenteng lumikas,nawalan ng tahanan,nasugatan at namatayan.
Para Makabangon sa trahedyang sinapit ng probinsya ng Cotabato ay kailangan anyang magtulungan,magkaisa at damayan ang kapwa Cotabateños.
Ang Mamamayan ng Kabacan at LGU ay nagtulungan makaipon ng bigas,tubig at ibang relief goods para sa mga biktima ng lindol.
May mga paaralan din sa bayan ng Kabacan ang nagkabitak dulot nang lindol kaya suspendido ang klase at kailangan anyang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante kasama ang mga guro.
Maliban sa mga paaralan may mga tahanan din ang nagkabitak kaya inuna ni Mayor Guzman Jr na tinulungan ang kanyang mga nasasakupan.