Tiniyak ni PNP (Philippine National Police) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na bibigyang ayuda ang mga apektadong kababayan natin sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Butchoy.
Partikular na ipinag-utos ni Gamboa sa mga kapulisan ang pag-clear sa mga highway at sa mga major thouroughfares mula sa mga nagkalat na debris o anumang harang sa kalsada dulot ng bagyo para makadaan at makapasok ang mga sasakyan na may bitbit na relief goods.
Binigyang-diin nito na manatiling nakadeploy ang mga pulis kahit nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Ito’y para alamin ang mga lugar na nakaranas ng pagbaha, landslide at pagguho ng anumang structure, upang matulungan ang mga biktima at matiyak pa rin na naipapatupad ang minimum health standards dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Kabilang sa disaster response-capable units ay ang Special Action Force, Maritime Group, Highway Patrol Group, Police Community Relations Group at maging ang Regional Public Safety Battalions.