-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na bibigyan nila ng tulong ang mga overseas Filipino workers na apektado ng temporary travel ban patungong China, Hong Kong at Macau.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, inatasan na niya si Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) acting Secretary Renato Ebarle na bigyan ng tig-P10,000 na cash assistance, accomodation at transportation ang mga OFW na magiging stranded dahil sa travel ban.
Ayon naman kay Ebarle na ang nasabing ayuda ay bahagyang makakatulong sa pasanin ng mga OFW na makabalik sa kani-kanilang mga lugar.
Magugunitang nagpatupad ng temporary travel ban ang bansa sa mga galing ng China, Hong Kong at Macau.