-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Magpapatuloy ngayong araw ang demolisyon sa 10 pasaway na establishment sa Boracay.

Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group General Manager Natividad Bernardino, ipinagpatuloy nila ang demolisyon matapos na nag-isyu si Malay Acting Mayor Frolibar Bautista ng Executive Order No. 038 na i-resume ang pagtibag sa mga nakitaan ng paglabag sa coastal at road easement.

Aniya, nag-expire na ang ibinigay na temporary restraining order (TRO) ng Aklan Regional Trial Court Branch 7 sa mga establishment kinabibilangan ng Aira beach front Boracay hotel; Ventoso Residences; Freestyle Academy; Kite Surfing School; Kite Center ag Banana Bay; Wind Riders Inn; Pahuwayan Suites; Lumbung Residences; Boracay Gems, at 101, 107 of Seven Stones Boracay Suites.

Dagdag pa ni Bernardino, kahit na binomba sila ng tubig at pinagmumura ng mga dayuhang nagmamay-ari ng ilang establisihment ay tuloy pa rin ang demolisyon dahil sila na lamang natitira na hindi pa natibag.

Tatlong gusali aniya ay syento porsyentong nakapasok sa “easement” ang kanilang structure, habang ang iba naman ay 20 hanggang 30% structure nila ang giniba.