-- Advertisements --

Tiniyak ni Phillippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Galileo Kintanar na tuloy pa rin ang kanilang combat utility helicopters project, kahit kinansela na ang kontrata para sa 16 na mga Bell 412 helicopters sa bansang Canada.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Kintanar, kaniyang sinabi na naghihintay na lamang sila ng final instruction mula sa higher headquarters para simulan muli ang proyekto.

Sa ngayon wala pang rekomendasyon ang technical working group kung anong klaseng choppers ang bibilhin ng PAF kapalit ng Bell 412.

Nasa $233 million ang pondo na inilaan ng gobyerno para sana sa 16 na mga Bell 412 choppers.

Hindi naman masabi ni Kintanar kung 16 pa rin na combat utility choppers ang kanilang mabibili dahil posibleng mag-iiba na ang mga specifications at presyo.