LAOAG CITY – Malaki ang epekto ng tuloy tuloy na protesta sa pagbigbigay ng serbisyo lalo na sa health care sector para sa mga residente ng United Kingdom.
Ito ang sinabi ni Bombo International News Correspondent Greg Pasalodos ng United Kingdom sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag.
Ayon kay Pasalodos, Enero 11 ng magsimula ang protesta ng iba’t-ibang sektor partikular sa mga healthcare workers.
Sinabi nito na isa sa mga nais ng mga dagiti healthcare workers ay tumaas ang sweldo na siyang matagal ng hinihilang ng mga empleado.
Kinumpirma nito na marami ng healthcare workers ang panong umalis sa sektor dahil sa mababang sweldo at benepisyo.
Kaugnay nito, sinabi ni Pasolods na nagkaroon na ng dayalogo ang gobierno ng United Kingdom at representatives ng health sector ngunit walang kasiguraduhan na mangyayari ang hiling na pagtaas ng sweldo.
Una rito, inilahad ni Pasalodos na sa huling kwarter ng 2022 ay nadagdagan ang sweldo ng mga empleado ngunit kasabay nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Maliban naman sa mga healthcare workers na kasama sa protesta ay kaibilang rin ang ilang sektor gaya ng mga nagtratrabaho sa sektor ng edukasyon.