Kailangan pa ng anim na taon para tuluyang makamit ang 2014 peace deal sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon sa ffice of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Undersecretary David Diciano na kailangan pang mag-adjust ng timeframe para sa pagpirma ng mga exit agreement sa pagitan ng gobyerno at MILF sa 2028 imbes na sa orihinal na petsa na 2022.
Maisasakatuparan ang nasabing exit agreement ng dalawang partidos kapag lahat ng mga commitments at nakalaan sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) ay naipatupad na.
Kabilang sa tinatawag na normalization ay ang pag-decommission ng nasa 40,000 na MILF fighters at pagsuko ng 7,000 na armas ganon din ang paglipat sa mga kampo ng MILF sa mapayapa at progresibong lugar.