-- Advertisements --

Posibleng tuluyan nang pagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbebenta ng mga lahat ng uri ng mga paputok tuwing bagong taon.

Sa kaniyang national address, sinabi ng Pangulo na posibleng sa kalagitnaan ng 2021 ay ilalabas nito ang nasabing kautusan.

bocaue firecrackers store

Inihalimbawa nito sa Davao City na tuluyang pinagbabawal ang paggamit ng lahat ng uri ng paputok.

Ang nasabing hakbang aniya ay para na rin sa kaligtasan ng karamihan.

Kasabay din nito, humingi ng paumanhin ang Pangulo dahil sa pagbabawal sa mga family gatherings at mga parties dahil sa COVID-19 pandemic.

Nanawagan na lamang ito sa mga mamamayan na mahigpit na sumunod sa mga kautusan ng gobyerno.

Para na rin aniya sa kapakanan ng isang tao at sa kapwa rin ang nasabing kautusan.