Naniniwala ang ilang mga business leaders sa bansa na maaaring abutin ng apat hanggang limang taon bago tuluyang makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Calixto Chikiamco, presidente ng Foundation for Economic Freedom, apat hanggang limang taon ang aabutin bago makabalik sa pre-pandemic levels ang GDP per capita ng bansa kung hindi maipatutupad ang mga reporma sa ekonomiya.
Nais din ng pinakamalalaking business groups sa bansa na limitahan sa economic reforms lamang ang pag-amyenda sa 1987 Constitution dahil maaring malihis daw ang atensyon ng mga mambabatas sa iba pang mga usapin kung tututukan lamang ang panukalang charter change (Cha-cha).
“We have the most restrictive investment climate in the world because of the Constitution restriction…I think we should do an economic Cha-cha or at least pass the Public Service Act to remove transport and telecommunications from those industries where foreigners are barred from owning majority control,” wika ni Chikiamco.
Sa panig naman ni Rosemarie Bosch Ong, presidente ng Philippine Retailers Association, kailangang maibalik ang consumption upang pasiglahin ang ekonomiya.
Paniwala ni Ong, babalik ang consumption at consumer confidence sa oras na mabakunahan na ang mga Pinoy laban sa coronavirus.