-- Advertisements --
marawi ruins 1
Marawi City

CAGAYAN DE ORO CITY – Magsisimula na ang malawakang demolisyon ng nasirang mga gusali sa tinaguriang most affected area (MAA) sa lungsod ng Marawi, Lanao del Sur.

Nagbigay na kasi ng pahintulot ang Office of the Building Official (OBO) ng Marawi City sa main contractor ng reconstruction at rehabilitation na gibain na ang mga sirang gusali na nasa loob ng sectors 8 at 9 ng siyudad.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Task Force Bangon Marawi chairman Sec. Eduardo del Rosario na ang pagpasok ng contractor sa dalawang sectors ng MAA ay hudyat na ng mabilisang pagsasaayos ng lungsod na naapektuhan ng limang buwang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute-ISIS group noong 2019.

Inihayag ni Del Rosario na kailangan pa rin nilang maging maingat habang pinapasok ang ilang bahagi ng Marawi City upang hindi magkaroon ng aksidente dahil sa ilang malalakas na bomba ang patuloy pang pinaghahanap ng subcontractor na bihasa sa mga eksplosibo.

Magugunitang una nang binanggit ng opisyal na maaari nang makapasok ang internally displaced persons (IDPs) sa sector 1 upang masimulan ang pagsasaayos ng kanilang mga nasirang kabahayan sa Hulyo 2019.