-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Malacañang ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 79 percent ng mga Pilipino ay kontento sa performance o trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing survey, tumaas ng anim na puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte na +66 nitong Marso mula sa +60 noong December 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw sa survey na habang lalong sinisiraan ng mga kritiko si Pangulong Duterte, tumataas naman ang kanyang rating.

Ayon kay Sec. Panelo, ang mga kalaban sa politika ni Pangulong Duterte ay kinakain ng sarili nilang kabaliwan at pagka-arogante.

Ang mga kritiko at miyembro ng oposisyon aniya ay nananatiling bingi sa boses ng nakararami at bulag sa mga pagbabagong nagawa ng “unorthodox, maverick and daredevil leader” na matapang na pinoprotektahan ang interes ng sambayanang Pilipino.

Kaya imbes daw na ipagpatuloy ng mga kritiko ang “hate campaign,” mas mabuting suportahan na lamang din nila ang plano ng administrasyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng bansa.

“The message of the survey is crystal clear. The more the critics and detractors malign PRRD, the higher the rating he gets. These political adversaries are being swallowed by their own hubris. Survey after survey they are being repudiated. They appear to be ensconced if not entangled in their own web of lies that they cannot unshackle themselves from it,” ani Sec. Panelo.