-- Advertisements --
Naibalik na muli sa ospital ang COVID patient na tumakas sa ospital sa Hong Kong.
Una nang nakilala ang pasyente na si Li Wan-keung, 63, o alias patient 7379, na dating naka-admit sa isolation ward ng Queen Elizabeth Hospital noong December 14.
Pero tumakas ito sa noong Biyernes at nag-disguise sa pamamagitan nang pagsusuot ng jacket.
Ayon sa pulisya ng Hong Kong si Li ay dinampot kagabi ng hatinggabi doon sa lugar ng Mang Kok kung saan maraming mga nagtatrabaho.
Batay sa batas sa Hong Kong, ang COVID patient na tumakas ay pagmumultahin ng HK$5,000 o katumbas ng $645 at makukulong pa ng dalawang buwan.