Patay ang dalawang preso na nakatakas sa Basilan Provincial Jail matapos maka-engkwento ng mga sundalong 4th Special Forces Batallion sa Barangay Cabunbata, Isabela City, Basilan.
Sa report nang Western Mindanao Command, nagsasagwa ng hot pursuit operations ang mga sundalo nang nang mamataan nila ang dalawang pumugang preso.
Nanlaban umano ang mga preso at nagpaputok ng baril, dahilan para gumanti ng putok ng baril ang mga sundalo.
Tumagal ng limang minuto ang engkwentro na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang preso.
Kinilala ang mga nasawi na si Nurhassan Lahaman, na may kasong murder ar Battuh Kusain Murag, na may kasong multiple murder at frustrated murder at sangkot din Lamitan City bombing noong 2018.
Narekober mula sa encounter site ang Isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol at mga bala.