-- Advertisements --

Hindi nakapagtala ang Office of Civil Defense ng anumang pinsala kasunod ng tumamang M6.5 na lindol sa Surigao Del Sur kaninang umaga (Aug 3).

Sa kabila nito, tiniyak ng ahensiya na mananatili pa rin itong nakamonitor sa sitwasyon ng naturang lugar, kasabay ng pagbabantay ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMOs) sa buong rehiyon.

Una nang pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko ukol sa tsunami kasunod ng naturang lindol na natukoy na sumentro sa layong 67 km sa hilagang silangan ng Lingig.

May lalim itong sampung kilomentro habang tectonic ang itinuturong pinagmulan nito.