-- Advertisements --
image 117

Kinumpirma ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) na overloaded ang motorbanca na MB King Sto. Nino 7 na tumaob sa karagatan ng Corcuera, Romblon noong Sabado na ikinasawi ng isang pasahero.

Ayon kay Romblon PDRRMO head Roseller Muros, kabuuang 116 pasahero ang lulan ng motorbanca nang mangyari ang insidente na lagpas sa maximum capacity nito na 90 pasahero lamang.

Ayon pa sa PCG, mayroon ding lulan na isang motorsiklo ang bangka.

Una ng sinabi ng kapitan ng motorbanca na si Jose Moreno Sr. na tumaob ang naturang bangka dahil tinamaan ng matigas na kahoy ang port side nito kayat pinasok ng tubig na dahilan ng pagtaob nito.

Bunsod ng insidente, nasawi ang 55 anyos na biktimang babae na natukoy na isang barangay treasurer matapos itong ma-cardiac arrest habang 3 naman ang napaulat na nasugatan.

Ayon sa Pdrrmo official, posibleng maghain ng kaso ang lokal na pamahalaan ng Romblon o PCG laban sa mga responsableng indibidwal.

Sinuspendi na rin ng Maritime Industry Authority (MARINA) Region IV ang Passenger Ship Safety Certificate ng bangka kasunod ng insidente.