-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mistulang pinapalaki lamang ng mga media outlets ang isyu kaugnay sa mga insidente ng ‘hate crimes’ laban sa mga Asyano sa Estados Unidos.

Ayon kay Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales ng Houston, Texas, ang media lang ang nagpapalaki ng bilang ng mga napapatay o nabiktima ng pang-aatake sa mga Asian Americans sa iba’t-ibang bahagi ng naturang bansa.

Batay umano sa isang survey, nananatiling normal ang bilang ng pagtaas ng krimen laban sa mga Asians kumpara noong nakaraang taon o bago ang pagtama ng COVID-19 pandemic.

Lumalabas aniya na pinapaaway lamang ng media ang mga ito.

Sa katunayan, hindi lamang ang mga Asyano ang nagiging biktima ng mga grupong nanggugulo kundi kahit ang mga puti at itim na Amerikano ay inaatake rin.

Karamihan umano sa mga krimen ay nangyayari sa California, East Coast at iba pang mga malalaking estado sa US.

Kadalasan umanong mga pakawala o alipores ng democrats ang mga gumagawa ng gulo.

Samantala, aminado man si Gonzales na nagkalat ngayon ang pandemic-related racism na ang target ay Asian-Americans sa social media lalo na ang mga Chinese.