-- Advertisements --

mrt

Umakyat na sa 28 ang bilang ng newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) o bagon na tumatakbo sa linya ng MRT-3.

Ito’y matapos makapagdeploy ang pamunuan ng isa pang bagon kahapon, October 4,2021.

Sumailalim kasi ang newly-overhauled LRV sa matagumpay na speed tests upang masigurong ligtas itong patakbuhin.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng MRT-3, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP, at sa direktiba ni DOTR Sec. Art Tugade.

Samantala, tuloy-tuloy ang pagpapasakay ng rail line ng 30% passenger capacity, na may katumbas na 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.

Mahigpit din ang pagpapatupad ng “7 Commandments” kontra COVID-19, na batay sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa pampublikong transportasyon.