-- Advertisements --
Sugatan ang vice presidential candidate ng Afghanistan matapos ang naganap na roadside bombing.
Sinabi ni interior ministry spokesman Nasrat Rahimi na nasugatan si Amrullah Saleh sa nangyaring pambobomba.
Nasawi rin ang dalawang katao matapos na magpaulan ng bala ang mga hindi pa kilalang mga suspek.
Bukod sa mga nasawi ay nasugatan din ang 25 katao.
Naganap ang insidente sa kalsada malapit sa Ghalib University at Shahid Square.
Kabilang si Saleh at si Afghan President Ashraf Ghani ang nagdeklara pagkainterest sa pagtakbo sa darating na halalan