-- Advertisements --

Tumatakbong punong barangay sa bayan ng Malasiqui, pinagbabaril sa lungsod ng Urdaneta, pulitika isa sa nakikitang m
Unread post by bombodagupan » Fri Oct 06, 2023 3:43 pm

BOMBO DAGUPAN-Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang nangyaring pamamaril sa isang tumatakbong punong barangay sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLTCOL. Lawrence Keith Calub, Chief of police ng Urdaneta Police Station, knilala ang biktima na si Salvador Garcia, isang Brgy Kagawad at tatakbong Punong Barangay sa bayan ng Malasiqui.

Sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ito sa bahay nila sa lungsod ng Urdaneta na lulan ng kaniyang sasakyan nang sundan ito ng mga suspek na sakay umano ng motor. Nang nasa tapat na ng bahay nila ang biktima ay doon na siya pinagbabaril.

Tinamaan ng bala si Garcia sa kaliwang braso ngunit nagawa pa nitong dalhin ang sarili sa ospital.

Agad naman rumesponde ang mga kapulisan at nagsagawa din ng mga checkpoints sa mga posibleng puntahan ng mga suspek ngunit sa kasamaang palad ay hindi pa sila nahuhuli.

Tinitignan din ang mga kuha sa CCTV na malapit sa lugar na inaasahang magbibigay linaw sa pangyayari.

Samantala, narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng Caliber 45 na baril.

Nang makausap naman ang biktima, may nabanggit aniya itong personalidad na maaaring konektado sa pamamaril.

Sa ngayon ay inaalam pa rin ang motibo ng pamamaril bagamat isa ang pulitika sa nakikitang motibo ng insidente.