-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa dating vice mayor ng Maragondon, Cavite kagabi.

Naganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa Barangay Bacao II sa General Trias.

Kinilala ang biktimang si Nolito Magallanes, 54-anyos na tumatakbong bise alkalde sa 2022 elections.

Base sa report, galing si Magallanes sa bahay ng kaibigan sa bayan ng General Trias at nakipag-inuman.

Ngunit may nakasagutan umano ito at napag-isipang umalis para umuwi.

Habang paalis ay hinabol umano siya ng suspek at pinagbabaril.

Tinangka pang dalhin sa pagamutan si Magallanes ngunit hindi na umabot nang buhay.

Samantala, nakatakas ang suspek at ngayo’y pinaghahanap.

Nagsilbing bise alkalde ng Maragondon si Magallanes mula 2004 hanggang 2007.