Nais ni Senate committee on justice chairman Sen. Richard Gordon na tumaya ang Pilipinas sa China at Estados Unidos.
Ayon kay Gordon mas makakabuti para sa bansa ang tumaya sa dalawang malalakas na bansa subalit dapat na mangibabaw ang interes ng Pilipinas.
Ito ang naging reaksyon ng senador sa resolusyon ng Senado na naglalayon na pag-isipang mabuti bago ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) at iba pang pinasok na kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos.
Naniniwala si Gordon na hindi napapanahon na ibasura ngayon ang VFA dahil marami pa tayong kinahaharap na problema kung security concerns pag-uusapan.
Una iniisip aniya ng mga Filipino kung “natutulungan ba tayo ng Amerika sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.”
“Natutuwa ba aniya ‘yong ang mga kababayan tuwing nag papatrolya ‘yong US coast guard sa WPS?”
At higit sa lahat dapat na alamin din aniya kung natutuwa ba ang ating mga kababayan kung hindi nabibigyan ng training yung mga sundalo natin sa makabagong strategy gamit ang modernong teknolohiya.
Sang-ayon din si Gordon sa pag-review ng kasunduan natin sa Estados Unidos at ikumpara ito sa pinasok na kasunduan sa ibang bansa tulad ng Australia upang malaman kung ang interes ba ng Pilipinas ang nangingibabaw sa kasunduan sa Amerika.