Isiniwalat ni Representative Alexandria Ocasio-Cortez ang tunay na kalagayan ng mga illegal immigrants na ikinulong ng mga border patrol sa Texas.
Kasama ni Cortez na bumisita sa border patrol facilities ang delegasyon ng mga mambabatas mula sa Congressional Hispanic Caucus matapos nilang makatanggap ng impormasyon patungkol sa mga migrante na ikinulong sa isang maduming pasilidad.
Ayon kay Cortez, kakila-kilabot ang kalagayan ng mga illegal immigrants sa detention center. Saad nito, ilan daw sa mga nakakulong ay pinipilit uminom ng tubig galing sa inidoro sanhi upang dumanas sila ng matinding psychological abuse at trauma.
Dagdag pa ng first-term Democratic congresswoman, nakita rin umano nito ang karamihan sa mga kababaihan na nasa loob ng selda at walang malinis na inumin.
“After I forced myself into a cell w/ women&began speaking to them, one of them described their treatment at the hands of officers as “psychological warfare,” ani Cortez
Tikom naman ang bibig ng U.S Customs and Border Protection upang pabulaanan ang mga paratang ng dating kongresista.