-- Advertisements --

Hinimok ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia ang publiko na makiisa bukas ng madaling araw sa ika-limang Metro Manila Shake Drill.

Kakaiba umano ito sa mga nakaraang drill dahil alas-4:00 ng madaling araw iyon idaraos.

Layunin nitong makita ang kinakailangang ihanda kung sakaling tumama ang malakas na lindol sa ganoong oras.

Susukatin umano rito kung gaano kabilis ang magiging pagtugon ng mga lokal na tanggapan at ahensya ng pamahalaan sa malaking problemang tulad ng 7.2 magnitude na pagyanig.

Ang Metro Manila Shake Drill ay may iba’t-ibang emergency scenarios sa city hall offices, establishments, business centers at residential areas.

Naniniwala ang mga eksperto na mahalagang maging bukas sa ganitong mga paghahanda ang lahat ng tao, maging ang mga bata para maging regular practice ito hanggang sa kanilang paglaki.