Walang nakikitang problema si PNP OIC Lt Gen.Gamboa sa kaniyang tungkulin ngayong si DILG Sec Eduardo Año ang inatasan ni Pang. Rodrigo Duterte na mamahala sa PNP.
Inihayag ni Gamboa na walang mababago sa kaniyang authority bilang officer-in-charge pwera na lamang na baguhin ito ng NAPOLCOM.
Giit ni Gamboa, wala din aniyang balakid sa kaniyang pamumuno bilang OIC dahil maayos naman niya ito nagagampanan lalo na sa mga gagawing procurement ng PNP.
Sa katunayan dinagdagan pa ng NAPOLCOM ang power nito bilang OIC PNP.
Aniya, maaari na rin siyang mag appoint o makapag promote ng Lt Colonel at magsisilbi na rin siyang observer sa tuwing magco- convene ang komisyon ng sa gayon aktibo itong makapag participate sa mga discussion.
Nasa Napolcom resolution na rin na maaaring pumirma si Gamboa sa anumang kontrata na pasukin ng PNP.
Ayon kay Gamboa ang utos ng Pangulo kay Sec Año para ayusin ang PNP ay isang “reminder” at “reiteration” lamang.
” I can sign notice to proceed, notice of award, I can do all these things so no problem about that,” wika ni Gamboa.