-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Mas lumalawak pa ang epekto na dala ng pagkalat ng tungro virus sa mga palayan sa ilang bayan sa Albay.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Bicol spokesperson Emily Bordado sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sa pinakahuling tala nasa 122 hektarya ng palayan ang apektado sa bayan ng Libon subalit lumalabas sa report ng Polangui ay umabot na sa 300 hektarya ang apektado ng naturag viurs.

Nabatid na ang mga green leaf hopper ang nagdadala ng naturang virus sa mga palay.

Paliwanag ng opisyal na posibleng masugpo ang problema sa green leaf hopper subalit wala pang gamot na posibleng makapagsugpo sa virus na dala nito.

Isa sa mga tinitingnang factor na nakaka apekto sa problema sa tungro virus ay ang tuloy-tuloy na pagtatanim ng isang variety sa palayan sa loob ng ilang taon, na ginagawa sa aturang mga bayan.

Nakaka apekto rin ayon kay Bordado ang hindi sabay-sabay na pagtatanim ng mga magsasaka dahil nakukumpleto ang life cycle ng naturang mga peste.

Upang matugunan ang naturang suliranin ay plano ng ahensya na mag-spray sa mga apektadong palayan lalo pa at hanggang sa 70% ang pinsalang maaaring iwan ng naturang virus sa mga pananim na palay.