-- Advertisements --

Nagtalaga ang pangulo ng Tunisia ng kauna-unahang babaeng prime minister.

Si Najla Bouden Romdhan ang itinturing kauna-unahang babaeng prime minister sa Arab world na itinalaga ni Tunisian President Kais Saied.

Sinabi ni Saied na ang pagtalaga kay Romdhan ay isang pagkilala sa mga kababaihan ng Tunisia.

Ang 63-anyos kasi na si Romdhan ay nagsilbi bilang ministry of higher education noong 2011.