-- Advertisements --
Tunisia Basketball
Tunisia Basketball team

Hindi pinaporma ng African champion Tunisia ang Gilas Pilipinas 86-65 sa kanilang paghaharap sa classification game ng 2019 FIBA World Cup.

Sa pagsisimula lamang ng laro ay dumanas ng kamalasan ang Gilas ng makuha ng Tunisia ang 6-0 start.

Pinangunahan nina Dallas Mavericks reserves Salah Mejri at Makram Ben Rhamdane subalit highest scorer ng Tunisia ay si Omar Adada na nakapagtala ng 16 points habang ang kanilang naturalized player na si Michael Roll ay may 13 points.

Umabot pa sa 28 points ang naging kalamangang ng Tunisia at napababa lamang ng Gilas ang score sa pagpasok ng last quarter.

Aminado si Gilas coach Yeng Guiao na hindi sila makasabay sa depensang ipinatupad ng Tunisia.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Andray Blactche habang mayroong 9 points ang naitala ni Troy Rosario.