-- Advertisements --
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng dalawang pagpapasabog sa Tunisia na ikinasawi ng isang tao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Unang naganap ang pagsabog sa central Tunis na tinarget ng bomber ang patrol car ng police na nasa Charles De Gaulle Avenue na ikinasugat ng tatalong sibilyan at ilang security personnel.
Matapos ang 10 minuto ay isang lalaki ang nagpasabog ng kaniyang sarili sa likod ng police department ng El Gorjani na ikinasugat ng apat ng security personnel.
Dahil sa pangyayari ay itinakbo sa pagamutan ang 92-anyos na pangulo ng bansa na si Beji Caid Essebsi matapos na makadama ng “severe health crisis” ilang minuto matapos ang magkasunod na atake.