-- Advertisements --

Inanunsyo ng The Technological University of the Philippines (TUP) Manila na suspendido ang kanilang klase sa Lunes, Abril 7 at Martes, Abril 8, kasunod ng pagkahulog ng 23-anyos na lalaki sa ika-apat na palapag ng unibersidad.

Ayon sa TUP USG –Manila, ipinag-utos ng university administration ang remote asynchronous learning sa Lunes bilang paggalang sa pag-panaw nito na mula sa College of Industrial Education.

‘As a sign of respect and solidarity, April 7 shall be observed as a Day of Mourning to allow space for community reflection and grieving,’ nakatala sa memorandum na kanilang i-pinost sa kanilang social media.

Sa Martes, ilulunsad ang remote synchronous learning (RSL) dahil sa naka-schedule na water service interruption ng Maynilad sa lugar.

Ang mga hakbang ay alinsunod sa kahilingan ng student government para sa mas maayos na kaligtasan at kaginhawaan ng mga estudyante.

Official statement ng TUP kaugnay sa nangyaring insidente / Screengrab from @TUP Manila Campus FB page