-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato ang mga Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD-DOLE) beneficiaries kaugnay sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay PESO Manager Eufrosina Mantawil, mapalad ang bayan ng Kabacan sa paglalaan ng Department of Labor and Employment ng pondo para sa mga residente ng bayan.

Kaugnay nito, apat na oras na magtatrabaho ang mga benepisaryo sa loob ng 10 oras.

Kaugnay nito, abot sa 166 na mga benepisaryo ang muling pinulong mula sa Brgy. Salapungan at Malamote ng bayan para sa TUPAD.

Sa kabuuang 366 ang mga benepisaryo ng TUPAD sa bayan mula sa mga barangay ng Osias, Magatos, Salapungan, at Malamote.

Siniguro naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. na mayroon pang mga barangay ang pasok sa nasabing programa ng DOLE para sa Kabacan.