CENTRAL MINDANAO-Abot sa mahigit 600 na benepisyaryo ng TUPAD Program ang tumanggap ng kanilang sahod mula sa DSWD sa pangunguna ng programa ni Cotabato 3rd District Congressman Jose Tejada.
Lubos ang naging pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa liderato at serbisyo ni Cong. Tejada para sa mga Kabakeño.
Siniguro naman ni Cong. Tejada na hindi ito ang huling TUPAD beneficiary sa bayan.
Samantala, namahagi rin ng pamasko si Cong. Tejada sa mga Brgy. Officials, BNS, at BHW ng bayan.
Ikinatuwa naman ito ni ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman, aniya ang paghandog ng pamasko ni Cong. Tejada ay patunay na naniniwala ito sa kakayahan ng mga opisyales ng bayan na paunlarin pa ang Kabacan.
Maliban sa bayan ng Kabacan ang Tupad Program ay namahagi rin ng tulong sa mga bayan ng M’lang, Matalam, Tulunan, Carmen at Banisilan North Cotabato.