-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Matapos ang 10 araw na pagtatrabaho sa kanilang komunidad, tinanggap ng 142 Tulong Panghanapbuhay para sa ating Displaced/Disadvantaged workers (TUPAD) beneficiaries ang kanilang sweldo sa ginawang salary payout sa bayan ng Libungan, Cotabato.

Pinangunahan ni Ruel June Ray Baw, TUPAD Coordinator, North Cotabato Field Office (NCFO) at ni Jessie Francisco Enid Jr. bilang kinatawan ni Governor Emmylou Mendoza ang pamamahagi ng sahod na nagkakahalaga ng 3,520 bawat benepisyaryo.

Ang programang TUPAD ay handog ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at Senator Joel Villanueva bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga nawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya.