-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Naniniwala si Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magbubukas ang turismo ng siyudad para sa mga turista mula sa iba pang rehiyon bago ang selebrasyon ng Pasko sa Desiembre.

Ayon sa kanya, posibleng maisagawa ang nasabing plano kung mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Aniya, oobserbahan pa nila ang sitwasyon ng pagbubukas ng siyudad sa mga turista mula sa Region 1.

Samantala, inamin ng opisyal na tataas pa o madadagdagan ang bilang ng mga turista na pupunta sa siyudad kung mapapayagan ang operasyon ng mga bus.

Gayunpaman, sinabi niya na pag-aaralan nila ang nasabing plano.