Nakikitang makakapagtala ng annual average rate na 6.7% ang local tourism sector sa bansa sa susunod na 10 taon na lagpas sa overall economic average growth rate na 5.6% base sa latest studies ng World Travel and Tourism Council (WTTC) at Oxford Economics,
Ito ay kasunod ng lumabas na pag-aaral kung saan tumaas ng 129% sa travel at tourism sector na katumbas ng $41 billion noong 2021, nakapagtala ito ng pagtaas mula sa 81% pagbaba noong 2020.
Nakikitaan din ng pagtaas ng hanggang 35 ang employment rate sa bansa sa susunod na isang dekada na makapaglikha ng 2.9 million trabaho na katumbas ng 21.5% ng kabuuang employment ng bansa.
Base sa data mula sa National Economic and development Authority (NEDA), sinabi ni Tourism Secretary Bernadette-Puyat na nasa 12.8% ang kontribusyon ng sektor ng turismo sa kabuuang gross domestic product noong bago magkaroon ng pandemiya.