-- Advertisements --

Ipinagmalaki ngayon ng Department of Tourism (DOT) na nakapagtala sila ng malaking kita dahil sa turismo.

Ayon sa DOT, na mula Enero 1 hanggang Disyembre 15, 2024 ay mayroong P712 bilyon na Philippine Tourism receipts.

Nagpapakita lamang ito ng 119 percent na recovery rate mula sa 2019 pre-pandemic.

Isa naging malaking tulong dito ay ang desisyon ng Japan na pababain ang travel advisory levels sa ilang bahagi ng Mindanao.

Pangatlo kasi ang Japan sa mga bansang may turistang bumisita sa bansa.

Naniniwala din ang Dept. of Tourism na mas lalong tataas pa ang bilang ng mga turismo ngayong taon.