KALIBO, Aklan – Positibo ang mga stakeholders na magsisimulang makakabawi ang turismo sa isla ng Boracay sa huling bahagi ng 2021.
Ayon kay Malay Tourism Officer Felix delos Santos, umaasa silang bago matapos ang 2021 ay magbabalik ang sigla ng turismo sa isla na pinadapa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa oras aniyang tanggalin na ang travel restrictions sa NCR Plus areas at muling bumaba ang bilang ng mga kaso sa Iloilo City ay muling bubuhos ang mga turista.
Blangko pa umano sila kung kailan manunumbalik ang international flights mula sa South Korea, Taiwan at China sa Kalibo International Airport.
Sa kabuuang 268 accommodation establishments na may 6-libo na kwarto na binigyan ng Certificate of Authority to Operate ng Department of Tourism, halos 68 lamang ang nagbukas dahil sa kawalan ng bisita sa Boracay.
Dagdag pa ni delos Santos libu-libong nang mga manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa mga lockdown at pagtigil operasyon ng mga hotel, resort at iba pang establisimento komersiyal sa isla.