-- Advertisements --

KALIBO, AKLAN – Muling tumamlay ang turismo sa isla ng Boracay kasunod ng paghihigpit na naman sa border ng Aklan at katabing mga lalawigan sa Western Visayas simula Hulyo 1-15 ngayong taon.

Batay sa Executive Order No. 029 ni Aklan Governor Florencio Miraflores, bawal muna ang paglabas-pasok ng mga residente sa katabing lalawigan, maliban sa mga may mahalagang lakarin dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista ang Capiz at Iloilo ang kanilang target market sa muling pagbukas ng isla para sa mga taga-Western Visayas, ngunit muling naapektuhan sa ipinatupad na travel restrictions.

Nabatid na mula Hunyo 16 hanggang 30, nasa 83 turista lamang ang naitala ng Municipal Tourism Office.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng Boracay sa kundisyong masusunod ang health at safety