ROXAS CITY – Malaki ang naging epekto sa industriya ng turismo sa lalawigan ng Capiz dahil sa Coronavirus Disease o COVID19 Pandemic.
Ito ang inihayag ni Commissioner Alfonsus Tesoro, Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer nang mainterview ng Bombo Radyo Roxas.
Aminado si Tesoro na simula nang ipinatigil ang pagbiyahe ng mga turista sa lalawigan ay ilan sa mga tourist attraction at hotel ang tumigil rin sa kanilang operasyon.
Dahil dito, labis na naapektuhan ang turismo dahil malaking kabawasan sa bilang ng mga nagtutungo sa mga kilalang tourist spots na sakop ng lalawigan.
Sa kabila nito, ikinatuwa pa rin ni Tesoro na maraming pamamaraan na ginawa ang mga negosyante upang ipagpatuloy ang kanilang negosyo.
Malaki rin ang tulong nang paglago ng farm tourism site at pagsasagawa ng street market sa tulong naman ng mga Local Government Units o LGU’s sa lalawigan.
Maliban dito, tinutulongan rin ang mga Indigenous People na naninirahan sa bukid para makapag-negosyo sa gitna nang hinaharap na krisis dahil sa COVID19.
Samantala, umaasa naman si Tesoro na makakabawi ang tourist arrival sa lalawigan sa mga susunod na buwan kapag bumalik na sa normal ang turismo sa bansa.