-- Advertisements --
hong kong protest rally 1

Maging ang turismo ay apektado na rin sa namamayaning tensyon sa Hong Hong dala ng malawakang mga kilos protesta.

Batay sa analysis ng ForwardKeys, ang flight bookings ng mga turista patungong Hong Kong mula sa mga bansa sa Asya ay bumagsak sa 5.4 percent kumpara noong nakalipas na mga buwan at noong taon.

Bago nagsimula ang mga protesta noong buwan ng Hunyo ay mataas ang flight bookings na nasa 6.6% lalo na sa unang anim na buwan nitong taon.

Ilang mga bansa na rin ang naglabas ng travel advisories para sa kanilang mamamayan tulad ng UK, Canada, Japan, South Korea at UAE na pinag-iingat ng husto sa mga nagaganap na demonstrasyon.

Laman naman ng mga usap-usapan sa social media ang katanungan kung ligtas pa bang magbiyahe patungong Hong Kong.

Giit ng naman ng spokesperson ng city Tourism Commission, karamihan ng mga rallies ay maayos at matahimik.

Gayunman ilan sa mga residente at turista ang naipit na rin sa mga rally at nakalanghap pa ng tear gas.

Samantala, nasa ika-siyam na linggo na ngayon ang ginagawang protesta sa ilang lugar sa Hong Kong.

Bumuhos nitong Sabado ang mga raliyesta sa tinaguriang Mong Kok, isa sa lugar sa buong mundo na napakarami ang popolasyon.

Liban sa protesta laban sa anti-extradition bill, nananawagan din ang mga ito na mag-resign na ang Hong Kong lider na si Carrie Lam at ang pagbibigay ng mas malawak na demokrasya.

Marami sa mga demonstrador ang nananawagan sa mga pulis na ‘wag gumamit ng dahas at ‘wag sasaktan ang kanilang mga anak.

Todo babala naman ang mga pulis sa Hong Kong na ‘wag na ‘wag magkakamaling umiba ng direksiyon doon sa ibinigay na permit.

Kasabay nito, meron ding rally ang mga supporters naman ng pamahalaan at ng mga pulis.

Inaasahang bukas ng Linggo at sa Lunes ay tuloy pa rin ang ang mga anti-government protests.