LA UNION – Kinumpirma ng Provincial Information and Tourism Office sa La Union na hindi apektado ang turismo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Provincial Information and Tourism Office head Adamor Dagang, sinabi nito na tuloy-tuloy ang pagdagsan ng mga turista sa lalawigan.
Giit ni Dagang, wala problema sa turismo dahil sa alam naman ng mga hotels at restaurants owner ang mga dapat gawin lalong-lalo na sa ipinapatupad na protocol.
Kabilang dito ang pagtatanong sa mga turista kung may history na nanggaling sa China o kung mayroon silang lagnat.
Pangunahin sa mga mga dayuhan na bumibisita sa lalawigan ay mga Americans, Europiann, Koreans, Japanese at pang-lima lamang ang mga Chinese base sa record ng mga ito.