CENTRAL MINDANAO- Walang tigil ang ugnayan ng Public Affairs Assistance, Tourism and Sports Development Division ng Provincial Government sa mga BLGU, LGU at private investors kaugnay ng mga paghahanda sa pagbubukas ng mga tourism sites.
Nakapaglunsad nang serye ng konsultasyon ang PATSDD kaakibat ang lokal na pamahalaan kabilang na ang LGU Makilala kaugnay sa Kamandag Falls upang tingnan ang posibilidad na mabuksan ito para sa mga turista.
Base sa nailunsad na inspeksyon at konsultasyon kasama ang ang ahensya ng pamahalaan, nairekomenda na pansamantala itong isarado sa publiko.
Ito ay dahil hindi pa estabilisado ang malalaking bato na kumilos dahil sa lindol. Nakita rin ng mga eksperto na maaring gumuho muli ang lugar,
basi rin ito sa assessment ng Geosciences Bureau (MGB).
Nitong nakalipas na linggo ay bumisita rin ng Tourism Division personnel ang Asik Asik Falls kasama si Cotabato Governor Nancy Catamco.
Nakipagpulong ito LGU at BLGU kaugnay sa mga paghahanda at paglatag ng planong pagtatayo ng mga pasilidad upang makapaghatid ng mas mabuting serbisyo sa mga turista.
Ang kahandaan ng mga tourism destination ay bahagi ng economic starter plan ng Gobernadora upang matiyak ang pagbangon ekonomiya na nalugmok dahil sa pandemya.
Ang pagbukas ng airport ay inaasahan na maging kaagapay rin ng pagpapalakas ng turismo at ekonomiya sa probinsya.