-- Advertisements --
sri lanka tourism

Inamin ni Sri Lanka Tourism Bureau Chairman Kishu Gomes na inaasahan nilang bababa ng halos 50% ang mga turistang magnanais na bumisita sa Colombo.

Ito ay matapos ang naganap na suicide bombing sa bansa na ikinasawi ng 250 katao.

Maaari namang bumagsak ng 30% ang tourist arrivals sa labang Colombo bilang resulta sa nasabing pag-atake.

Kasalukuyang humaharap ngayon ang bansa sa biglaang pagbaba ng tourism revenue ng halos $750 million ngayong taon.

10% naman ang naitalang mga customers na nagkansela ng kanila flight schedule, ayon kay SriLankan Airline chief executive Vipulla Gunatilleka.

Ang turismo sa Sri Lanka ay ikatlo sa pinaka-malaki at mabilis na pinagkukunan ng foreign currency noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Gomes, target umano ng tourism bureau ang 2.5 milyong turista ngayong taon.

“We are looking at providing some concessions to the industry for them to be able to maintain their viability for the next few months, ani Gomes.

Posible rin daw na bumalik ang kumpyansa ng mga turista sa Sri Lanka kung masisigurado ng mga militar ang seguridad sa nasabing bansa.