-- Advertisements --
Taal

Nananatili raw malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalburuto ng Taal Volcano.

Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.

Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago at pagkatapos ang pagsabog ng bulkan noong Sabado ng umaga.

Dagdag ni Batongbacal ang mga government agencies at local authorities naman daw ay naka-standby kasunod na rin ng pagsabog ng naturang bulkan noong Enero 10, 2020.

Ang disaster control at management at mga local government units (LGUs) ay nakaantabay naman daw kung anuman ang mangyari sa Batangas.

Kasunod nga ng pagsabog ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Alert Level 3 status sa bulkan.

Kahapon nang maitala ang dalawang dalawang minor phreatomagmatic eruptions ang naitala sa Taal Volcano sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) director at Science Undersecretary na si Renato Solidum, ang maliliit na pagsabog na ito ay nagbuga ng nasa 400 hanggang 800 meters na taas ng plume kaninang alas-4:34 hanggang alas-5:04 ng madaling araw.

Wala na rin naman aniyang naitala pang kasunod pero pinapakita lamang ng Taal Volcano na puwede pa rin ito magkaroon ng pagsabog kaya kailangang bantayan.

Sa mga naitalang minor eruptions ngayong araw, sinabi ni Solidum na posibleng mayroon kasamang abo ang mga ito.

Taal Tourism

Samantala, sa bayan ng Agoncillo, mistulang wala ring pagbabago ang buhos ng mga turistang bumibisita sa view-deck para masilayan ang Taal.

Sinasamantala naman ito ng mga nagtitinda ng mga souvenirs para makapagbenta gaya na lamang ng batang si Alicia Mae.